Deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao, hindi makakaapekto sa paglago ng ekonomiya ayon sa DOF

By Len Montaño May 25, 2017 - 11:55 AM

makatiHindi banta sa ekonomiya ng Pilipinas ang Martial Law na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao dahil sa gulo sa Marawi City.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, hindi makakaapekto sa paglago ng ekonomiya ng bansa ang Batas Militar.

Paliwanag ni Dominguez, ang pinaigting na seguridad pa nga ang titiyak na ligtas ang mga negosyo at imprastraktura.

Ang Martial Law aniya sa Mindanao ay makakatulong para mawakasan ang karahasan at maibalik agad ang normal na pamumuhay ng mga residente para hindi maapektuhan ang ekonomiya.

Dagdag ng kalihim, ang Batas Militar na iiral sa limitadong panahon ay layon na protektahan ang daloy ng kalakalan, matiyak ang kaligtasan ng mga inosente at matanggal ang banta sa komunidad sa hinaharap.

Sa huling tala ay lumago ng 6.4 percent ang gross domestic product ng bansa sa unang tatlong buwan ng 2017.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.