AFP, bumalangkas na ng guidelines para sa Martial Law

By Chona Yu May 25, 2017 - 11:12 AM

AFP FieldMatapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Eduardo Año bilang administrator ng Martial Law, agad nang bumalangkas ang hukbong sandatahang lakas ng Pilipinas ng guidelines para maipatupad ang Batas Militar.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Marine Col. Edgar Arevalo, naglalamaan ito ng instruction kung paano gagampanan ng mga sundalo sa grounds ang kanilang tungkulin.

Gaya halimbawa ang mga itatayong checkppint, pagtrato sa mga taong dadakipin at pagtiyak na hindi malalabag ang karapatang pantao ng mga Filipino.

Pagtitiyak ni Arevalo, hindi maabuso ng militar ang idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao region.

Wala aniyang dapat na ikatakot ang mga residente lalo na kung wala naman silang ginagawang anumang paglabag sa batas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.