Human rights group, nagprotesta vs. martial law sa Mindanao

By Jay Dones May 25, 2017 - 04:34 AM

 

martial law idefendIdinaan sa kilos protesta ng ilang mga grupo ang kanilang pagkadismaya sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

Giit ng grupong iDefend, o In Defense of Human Rights and Dignity Movement, hindi malulutas ng martial law ang kaguluhan sa Marawi City at sa halip, magiging hudyat lamang ito upang malagay sa alanganin ang buhay ng mga inosenteng sibilyan.

Paliwanag ni Eleazar Carlos, tagapagsalita ng grupong nagtipon sa Quezon Memorial Circle, malak ang posibilidad na gamitin din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakataon upang tuluyang ilagay sa martial rule ang buong bansa.

Nanawagan rin ang grupo sa publikona na maging mapagbantay upang hindi maabuso ng pamahalaan ang batas military na ipinaiiral sa Mindanao region.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.