Lanao del Norte, handang tumanggap ng evacuees mula Marawi

By Kabie Aenlle May 25, 2017 - 04:29 AM

 

marawi city evacueesHanda ang lokal na pamahalaan ng Lanao del Norte na tumanggap ng mga evacuees na lumikas mula sa Marawi City dahil sa bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at Maute Group.

Handa ang lokal na pamahalaan ng Lanao del Norte na tumanggap ng mga evacuees na lumikas mula sa Marawi City dahil sa bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at Maute Group.

ation officer Lyndon Calica, inihanda na nila ang kanilang mga evacuation centers sa mga bayan ng Balo-i at Pantar.

Mas pinaigting na rin aniya nila ang seguridad sa boundaries ng dalawang lalawigan ng Lanao upang hindi umabot sa kanila ang mga pag-atake.

Samantala, ang lokal na pamahalaan naman ng Iligan City kung saan tumungo ang karamihan sa mga residente ng Marawi ay nagtalaga na rin ng dalawang evacuation sites.

Ayon kay Vice Mayor Jemar Vera Cruz, sa Iligan City National School of Fisheries sa Barangay Buru-un at Iligan City National High School sa Barangay Mahayahay maaring tumungo ang mga evacuees.

Nasabihan na rin ang kanilang City Disaster Risk Reduction and Management Council na maghanda ng mga food packs at iba pang pangangailangan ng mga evacuees.

Nagtalaga na rin ng checkpoints sa buong lungsod ang Iligan City police upang hindi makapasok ang Maute Group.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.