‘Bigyan ng tiwala ang AFP sa pagpapatupad ng martial law’-Robredo

 

Ito na ang tamang panahon upang magkaisa ang lahat ng mga Pilipino upang mapangalagaan ang seguridad ng ating bansa.

Ito ang mensahe ni Vice President Leni Robredo bilang tugon sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao.

Ito’y sa kabila ng pangamba ng ilang grupo na posibleng pagmulan na naman ng panibagong human rights violations ang martial law sa Mindanao.

Kahapon, nagtungo si Robredo sa AFP headquarters upang sumalang sa briefing sa sitwasyon sa Marawi City.

Nanawagan ito sa publiko na bigyan ng kaukulang tiwala ang AFP sa kanilang magiging responsibilidad na maibalik nag kapayapaan sa Mindanao.

Humiling rin ito ng panalangin para sa mga reisdente ng Marawi na naiipit ngayon sa bakbakan sa pagitan ng Maute group at mga sundalo.

Kahapon, libu-libong residente ng Marawi City ang nagpasyang lumikas sa kanilang mga lugar sa pangamabang madamay sa bakbakan.

Read more...