Umabot na sa lima ang bilang ng sundalong nasawi sa pakikipagbakbakan sa teroristang Maute group sa Marawi City, habang nananatili naman sa 2 ang bilang ng nasawi sa panig ng pulisya.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office chief Col. Edgard Arevalo, pumalo naman na sa 31 ang bilang ng mga sundalong nasugatan sa ikalawang araw ng sagupaan.
Nadagdagan aniya ang mga nasawi at nasugatan dahil nagsanib-pwersa na ang Maute at Abu Sayyaf Group.
Samantala, kinumpirma din ng mga otoridad na hindi bababa sa 13 naman ang nasawi sa panig ng Maute Group.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.