Martial law declaration ni Duterte, dinala na sa Congress

By Kabie Aenlle May 25, 2017 - 04:33 AM

 

martial law 1and2Natanggap ng opisina ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang kopya ng dalawang pahinang martial law declaration, ganap na 10:26 ng gabi ng Miyerkules.

Sa naturang proklamasyon, isinaad ni Duterte na hindi lalampas sa 60 araw ang bisa ng martial law sa Mindanao.

Ipinaliwanag niya rin na nagdesisyon siyang gawin ito sa buong Mindanao dahil sa pag-atake ng mga teroristang Maute group sa Marawi City noong May 23, kung saan itinaas nila ang bandera ng ISIS sa ilang lugar.

Isa rin aniya itong tahasang pagtatangka na tanggalan ng kapangyarihan ang pangulo sa Mindanao sa pamamagitan ng crime of rebellion.

Binanggit na rin niya dito ang mga karahasang ginawa ng Maute Group noon tulad ng pag-atake sa mga sundalo sa Butig, Lanao del Sur noong Pebrero 2016, at ang mass jailbreak sa Marawi City noong Agosto 2016.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.