Kambal na pagsabog, yumanig sa Jakarta, Indonesia

 

Dalawang pagsabog ang yumanig sa isang bus stop sa eastern Jakarta sa Indonesia na nag-iwan ng hindi bababa sa pitong patay at marami pang sugatan.

Ayon sa mga ulat, naganap ang kambal na pagsabog dakong alas-nuwebe ng gabi, oras sa Jakarta sa Kampung Melayu, na puno ng mga tao noong mga panahong iyon.

Isa munang malakas na pagsabog ang narinig ng mga tao na sinundan ng isa pang pagsabog makalipas ang limang minuto sa bus stop na nagsisilb ring parking area ng mga motorsiklo.

Kumakalat naman sa social media ang mga larawan at video ng lugar na pinangyarihan ng pagsabog kung saan makikita ang pira-pirasong bahagi ng tao at mga sugatang biktima.

Inaalam pa ng mga otoridad kung may kinalaman sa terorismo ang insidente.

Read more...