Ito ang pananaw ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison sa panayam ng inquirer.
Dagdag pa ni Sison, mistula nitong pinaglalaruan ang bayan sa naturang hakbang.
“Sakim sa kapangyarihan o bu-ang lamang ang magsasabing mabuti ang martial law at solusyon ito sa mga problema ng bayan,” ni Sison.
Mistula rin aniyang uri ng ‘trial balloon’ o ‘testing’ ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao kung uubra itong ipatupad sa buong bansa.
Tiyak aniyang magiging negatibo rin ang epekto nito sa usapang nagaganap sa pagitan ng panig ng gobyerno at rebeldeng grupo na nasa ikalimang round na ng peace talks sa The Netherlands.