4 arestado sa buy bust sa QC

 

Isang buy-bust operation ang ikinasa ng District Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District sa Congressional Avenue, Proj. 8 Quezon City.

Target ng operation si Donato Lim alyas Donnie na positibong nakunan ng shabu ng pulis na nagpanggap na poseur buyer, habang 3 iba pa ang naaresto ng mga otoridad.

Ayon kay DDEU head, Chief Insp. Ferdinand Mendoza, aabot sa 56 na sachet ang nakuha sa mga suspek na tinatayang may bigat na higit kumulang na 50 gramo ng shabu ang nakuha sa mga suspek, 1,000 piso na marked money at drug money na hindi pa matukoy ang halaga.

Naniniwala si PCI Mendoza na sa dami na nakuha nilang shabu maituturing na pausbong na ang grupo para maging bigtime supplier ng bawal na gamot.

Ang apat ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 na maskilala ss Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...