13 miyembro ng Maute group patay sa military operation sa Marawi City

By Chona Yu May 24, 2017 - 07:31 PM

Marawi7
Inquirer photo

Labing tatlong miyembro ng Maute terror group ang napapatay ng tropa ng pamahalaan sa patuloy na nagaganap na bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Col. Jo-ar Herera, tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Philippine Army, sa ngayon dalawang bangkay na ng mga kalaban ang kanilang narekober.

Nakuha rin sa Maute terror group ang isang M16 rifle at component ng improvised explosive device.

Sinabi ni Herera na lima sa tropa ng pamahalaan ang nasawi habang 31 ang sugatan.

Nauna rito ay umapela sa publiko ang militar na huwag ilagay sa online media ang posisyon ng mga sundalo para hindi mamonitor ng kanilang mga kalaban.

Hanggang sa mga oras na ito ay may maririnig pa rin na palitan ng putok sa ilang mga lugar malapit sa mismong kabayanan ng Marawi City ayon sa mga ulat.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, marawi, Martial Law, Maute, Mindanao, PNP, Abu Sayyaf, AFP, marawi, Martial Law, Maute, Mindanao, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.