Dating Vice President ng Guatemala kinasuhan dahil sa pagiging utak ng katiwalian sa Customs

August 25, 2015 - 09:10 AM

baldettiKinasuhan ng mga prosecutors sa Guatemala si dating Guatemalan Vice President Roxana Baldetti tatlong araw matapos siyang arestuhin dahil sa pagiging utak umano ng koraposyon sa kanilang customs department.

Sa isinampang kaso sa korte, umabot umano sa $3.8 million ang kickback na naibulsa ni Baldetti mula sa mga illegal na transaksyon sa customs mula May 2014 hanggang April 2015.

Nalantad ang eskandalong kinasangkutan ni Baldetti noong Abril matapos ibunyag ng United Nations commission na ang top aide ng dating bise presidente na si Juan Carlos Monson ang nagpapatakbo ng bribery scheme sa customs.

Ang nasabing isyu ang nagtulak kay Baldetti para magbitiw sa pwesto noong May 8.

Inaresto ang dating bise presidente noong Biyernes habang nasa ospital at nagpapatingin dahil sa gastrointestinal at problema sa puso.

Nakakulong ngayon si Baldetti sa military base na pinagdadalhan sa mga high-profile inmates.

Ipinag-utos na rin ng hukom na may hawak ng kaso ni Baldetti ang pagpapalabas ng freeze order sa mga bank accounts nito at ang pag-iisyu ng injunction order sa labingisang ari-arian niya at kaniyang asawa./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: guatemalanvicepresidentbaldetti, guatemalanvicepresidentbaldetti

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.