Nanawagan ang ilang senador sa sambayanang Filipino na manalangin at ipagdasal ang kapayapaan sa Marawi City matapos ang ginawang paglusob ng Maute Group sa lungsod.
Panawagan ni Senador Sonny Angara sa mamamayan na ipagdasal na wala na sanang buhay pa ang malagas at inosenteng sibilyan na madadamay sa insidente.
Samantala, bagaman suportado ng senador si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng martial law ay hiniling naman nito sa mga Pinoy na maging mapagmasid at huwag papayag na maisantabi ang batas.
Kasabay ang panawagan na huwag naman sana ito abusuhin ng mga nasa pwesto tulad ng mga nakaraang administrasyon.
Kaugnay nito, nakikiisa rin si Senadora Nancy Binay sa mariing pagkondena sa ginawang pag-atake ng Maute Group kasabay ang pagpapahayag ng pakikiramay sa mga kaanak at kaibigan ng mga nasawi at nasugatan sa trahedya.
Hiniling din ni Binay sa sambayanan na ipagdasal ang kaligtasan ng mga kababayan sa lugar na naiipit ngayon sa bakbakan.