Kamara magsasagawa ng special session para sa martial law sa Mindanao
Magsasagawa ng sesyon ang Kamara bukas o kaya naman ay sa araw ng Biyernes kaugnay sa deklarasyon ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, pag-uusapan nila dito ang isusumiteng report ng pangulo kaugnay sa pagpapatupad ng batas mlitar.
Sinabi ng pinuno ng Kamara na hindi na kakailanganin ang joint session ng kamara at senado upang magkaroon ng joint voting na siyang itinatadhana ng saligang batas.
Pagsasamahin na lamang anya ang boto ng dalawang kapulungan upang makakuha ng majority vote na nakasaad sa Konstitusyon.
Maari namang ipawalang-bisa ng Kongreso sa pamamagitan ng magkasamang boto ng mayorya ng mga ito sa isang regular o special session ang deklarasyon na hindi maaring balewalain ng pangulo.
Pwede namang palawigin ng kongreso ang bisa ng batas militar sa pamamatigan ng inisyatibo ng pangulo ayon pa sa pinuno ng Kamara.
Sa ilalim ng ating Saligang Batas ay kinakailangang mag-ulat ng pangulo sa Kongreso kaugnay sa ilang mga basehan sa deklarasyon ng martial law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.