Pero sa kabila nito, nananatili pa rin sa lungsod ang mga armadong miyembro ng ISIS-inspired group.
Ayon kay Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra, nabawasan na ang tensyon sa lungsod at wala na rin silang naririnig na mga putok ng baril simula kaninang umaga.
Patuloy pa rin aniya nilang imomonitor ang sitwasyon katuwang ang militar at pulisya.
Pero sinabi ng alkalde na mananatiling sarado ang mga establisyimento habang hinihintay ang pagdating ng karagdagang tropa na ipinadala ng Armed Forces of the Philippines.
Batay aniya sa inisyal na ulat mula sa militar, ang grupo na umatake sa Marawi ay kinabibilangan ng mga miyembro ng Maute group, Abu Sayyaf, at Bangsamoro Islamic Liberation Front o BIFF.
Sinabi ni Gandamra na aabot sa mahigit isandaan ang bilang mga armadong bandido na nakakalat sa iba’t ibang kalsada sa Marawi.
Una nang nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa buong rehiyon ng Mindanao dahil sa nasabing pag-atake ng Maute group.