‘Critical’ threat level, itinaas sa London kasunod ng Manchester bombing

By Mariel Cruz May 24, 2017 - 08:55 AM

Manchester bombingMula “severe”, itinaas na sa “critical” ang threat level sa London, United Kingdom kasunod ng suicide attack sa concert ni Ariana Grande sa Manchester.

Ayon kay Prime Minister Theresa May, mas pinaigting na nga armed forces ang seguridad sa lugar at posibleng magdeploy na ng military personnel sa mga public event gaya ng concerts at sports events.

Napagkasunduan aniya ng independent body na itaas ang threat level sa “critical” matapos magpasabog ng isang improvised bomb ang suspek na nakilalang si Salman Abedi sa concert ng American pop singer.

Sinabi ni May na itinaas ang threat level sa “critical” upang maiwasan o mapigilan ang posibleng kaparehong pag-atake na isasagawa ng teroristang grupo.

Kahapon, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa concert ni Ariana habang papatapos na ito.

Umabot sa dalawampu’t dalawa katao ang nasawi habang nasa animnapu ang sugatan sa naturang pagsabog na inako na ng Islamic State of Iraq o Syria o ISIS.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.