Isinailalim sa lock-down ang lungsod ng Davao, kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa buong Mindanao.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na itinaas na nila ang red alert sa buong lungsod.
Magpapatupad aniya sila ng mas mahigpit na seguridad at inspeksyon sa mga checkpoints sa papasok at palabas ng lungsod.
Pinayuhan niya rin ang publiko na kung hindi naman mahalaga, iwasan na lang muna ang pagbiyahe patungong Davao City.
Partikular aniyang mas hihigpitan ang seguridad sa kanilang lugar dahil doon naninirahan ang pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.