Duterte at Putin, nakapagpulong na
Natuloy ang pakikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian President Vladimir Putin.
Ito’y sa kabila ng pagnanais ng pangulo na makauwi sa lalong madaling panahon dahil sa krisis na nangyayari ngayon sa Marawi City dahil sa pag-atake ng Maute group.
Inamin ni Duterte na tumungo siya doon upang humingi ng tulong kaugnay ng mga panggugulo ng mga ISIS members sa Pilipinas, at na ito ang dahilan ng maaga niyang pag-uwi.
Nabanggit din ng pangulo kay Putin ang softloan na kailangan ng Pilipinas upang makabili ng mga armas dahil nakansela ang kasunduan sa Amerika kaugnay dito.
Umaasa naman si Putin na maresolbahan na ang gulo sa Pilipinas.
Samantala, inaasahan na ngayong araw babalik sa bansa si Pangulong Duterte mula sa Russia dahil sa nagaganap na pag-atake ng Maute group sa Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.