SoKor, nagpaputok ng warning shots vs. NoKor dahil sa umano’y ‘drone’ sa border

By Kabie Aenlle May 24, 2017 - 04:19 AM

 

South-Korea-Explosion_Inte-620x359Nagpakawala ng warning shots ang South Korea sa North Korea kahapon, matapos lumipad ang isang unidentified object mula sa NoKor at tumawid sa kanilang border.

Ayon sa pahayag ng Joint Chiefs of Staff ng South Korea, pinaigting na rin nila ang kanilang air surveillance matapos ang insidente.

Ayon sa Yonhap news agency ng SoKor, nasa 90 machine guns ang kanilang pinaputok sa ere patungong North Korea, lalo’t hinihinala nilang military drone ang tumawid sa kanilang border.

Gayunman, wala namang inilabas na pahayag ang North Korea tungkol dito, at hindi rin naman gumanti ng putok ang nasabing bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.