Naglabas ang isang korte ng panibagong suspensyon sa mga warrants of arrest laban sa lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) na si Nur Misuari.
Binigyan ng korte ng panibagong anim na buwang kalayaan si Misuari, upang maipagpatuloy nito ang pakikipag-usap sa pamahalaan tungkol sa implementasyon ng 1996 peace agreement sa pagitan ng gobyerno at MNLF.
Nag-lapse na kasi noong April 27 ang unang suspensyon sa arrest warrants laban kay Misuari na ibinigay ni Judge Maria Rowena Modesto-San Pedro ng Regional Trial Court Branch 158 sa Pasig City.
Ang mga arrest warrants laban kay Misuari ay pawang may kinalaman sa ginawang Zamboanga City seige noong 2013 ng mga pwersa ng MNLF.
Ani Modesto-San Pedro, batid ng korte na masyadong maiksi ang anim na buwan upang makamit ang kapayapaan sa Mindanao sa pamamagitan ng partisipason ni Misuari sa peace process.
Tatagal ang suspensyon hanggang November 16.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.