Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ito’y kasunod ng pagsalakay ng Maute group sa Marawi City.
Tiniyak naman nina Abella at Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na susundin ni Pangulong Duterte ang Konstitusyon kaugnay ng pagdedeklara ng martial law.
Samantala dahil din sa sitwasyon sa Marawi, nagdesisyon ang pangulo na huwag nang tapusin ang kaniyang pagbisita sa Russia at umuwi sa lalong madaling panahon sa Pilipinas.
Humingi ng paumanhin ang delegasyon ng Pilipinas sa mga opisyal ng Russia, pero ayon kay Cayetano, nauunawaan ng mga ito na prayoridad nila ang kaligtasan ng buong bansa sa ngayon.
Bagaman uuwi ang pangulo para asikasuhin ang sitwasyon ng seguridad sa bansa, sinabi ni Cayetano na mananatili siya sa Russia upang ipagpatuloy ang pagkasa ng mga kasunduan.
Inaasahang darating si Pangulong Duterte bukas, dakong alas-12:00 ng tanghali.