COMELEC, humiling sa AFP at PNP na magsagawa ng threat at security assessment

August 25, 2015 - 04:59 AM

comelec logoHiniling ng mga opisyal ng Commission on Elections o Comelec sa Philippine National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsagawa ng isang security/threat assessment sa mga lugar sa Pilipinas.

Sa ilalim ng kautusang binuo ng komisyon, ang minute resolution No. 15-0537 noong July 21, kinakailangang magsagawa ng inspeksyon bago maglatag ng satellite voter registration sa mga liblib, at tagong lugar sa bansa.

Ayon sa komisyon, kung lumabas sa resulta na hindi angkop upang maglagay ng satellite registration sa isang lugar, hindi na ito ipagpapatuloy.

Magsasagawa naman ng report ang isang opisyal upang maipalaiwanag kung bakit hindi nakapaglagay ng satellite registration sa nasabing lugar.

Ayon kay Election and Barangay Affairs Department (EBAD) Director Teopisto Elnas, malaki ang maitutulong ng koordinasyon ng Comelec sa PNP at AFP upang masigurado ang kaligtasan ng mga poll workers, sakaling mailagay ang mga satellite registration.

Aniya, bagaman talagang kailangang maglagay ng satellite registration sa iba’t ibang lugar, ang kaligtasan ng mga opisyal ng Comelec ay kanilang iniisip upang sa gayon maiwasan ang mga hindi inaasahang pangayari./ Stanley Gajete

TAGS: armed forces of the philippines, comelec, Philippine National Police, armed forces of the philippines, comelec, Philippine National Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.