Roxas at Abaya pagpapaliwanagin sa Senado kaugnay sa mga aberya sa MRT
Ipatatawag para sumagot sa isinasagawang imbestigasyon ng senado ang mga dating kalihim ng Department of Transportation and Communication na sina Mar Roxas at Jun Abaya.
Ayon kay Sen. Grace Poe, pinuno ng Senate Committee on Public Services, palaging nababanggit ang mga pangalan ng dalawang dating kalihim kaya marapat lamang na magpakita sila sa senado.
Samantala, bukod kina Roxas at Abaya, ipapasubpoena rin ni Poe ang isang Marlo Dela Cruz na palagi ring nababanggit sa pagdinig ng komite.
Iginisa rin sa hearing ngayong araw si dating MRT 3 General Manager Atty. Al Vitangcol dahil na rin sa patuloy na nararanasang aberya ng operasyon ng mga tren ng MRT at sa iba pang usapin kabilang na dyan ang palpak na pagbili ng mga bagon at mga tren na sa susunod pang taon magagamit.
Natapos ang pagdinig ng komite bago mag-alas tres ng hapon at nakatakdang magresume ang pagpapatuloy ng pagdinig sa Agosto matapos naman ang recess ng Senado ngayong Hunyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.