Mga dating transportation officials sinisi sa mga aberya sa MRT 3

By Ruel Perez May 23, 2017 - 03:43 PM

Chavez Dotr
Photo: Ruel Perez

Isinisi ni Department of Transportration (DOTr) Operation for Rails Usec. Cesar Chavez sa nakalipas na administrasyon ang mga umanoy nararanasang kapalpakan at aberya sa MRT 3 sa ngayon.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinangungunahan ni Sen. Grace Poe iginiit ni Chavez na may mga naging paglabag sa kontrata ang mga dating opisyal ng Transportation Department at MRT 3 sa pagbili ng 48 na mga train coaches.

Ipinaliwanag ni Chavez na pumasok sa isang kontrata partikular sa signaling system ang mga dating mga opisyal ng noon ay DOTC na sinayang lamang ang kaban ng bayan.

Inamin ni Chavez na hindi na magagamit ang mga kasalukuyang signaling system at para magamit ang nabiling mga tren dapat gumastos ang pamahalaan ng P888 Million.

Ipinatawag din sa pagdinig si dating MRT 3 General Manager Atty. Al Vitangcol kung saan ay hiningan rin siya ng paliwanag ng mga mambabatas kaugnay sa mga aberyang dinaranas ngayon ngmga tren ng MRT 3.

TAGS: chavez, DOTC, dotr, MRT, chavez, DOTC, dotr, MRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.