Bagong tulay na bakal, binuksan sa isang sitio sa Albay

August 25, 2015 - 04:43 AM

Inquirer file photo

Binuksan na ang bagong hanging footbridge na gawa sa bakal sa Sitio Lagaan, Barangay Banawan sa Pioduran, Albay.

Nagkakahalaga ng 5-milyong piso ang nasabing tulay na may habang tinatayang 120 metro na ngayon ay kumokonekta na sa Sitio Lagaan patungo sa bayan at iba pang bahagi ng Pioduran.

Ang proyektong ito ay isa sa mga priority infrastracture projects ni 3rd District Rep. Fernando Gonzalez na nakabatid sa hirap ng mga residente na tawirin ang Panganiran River para lamang makapunta sa kabilang bahagi ng kanilang lugar.

Bago maitayo ang tulay, dati ay nilulusong lamang ng mga residente ang ilog tulad na lamang ng mga estudyanteng papasok sa kani-kanilang mga eskwelahan, ngunit kapag mataas ang tubig, sumasakay na sila ng bangka.

Ayon kay Gonzalez, mas ligtas at mas madaling pagbi-biyahe na ang mararanasan ng mga tao dahil sa bagong tulay, lalo na ang mga estudyante at ang mga naka-motorsiklo na hindi na kailangang lumusong, at magiging malaking tulong rin aniya ito sa pagbi-biyahe ng mga panindang isda, gulay at prutas na dadalhin sa palengke./Kathleen Betina Aenlle

TAGS: Albay, Rep. Fernando Gonzalez, Sitio Lagaan bridge, Albay, Rep. Fernando Gonzalez, Sitio Lagaan bridge

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.