Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) spokesperson Aileen Lizada, kinonsulta niya si CBCP Secretary General Monsignor Marvin Mejia ukol sa implementasyon ng Joint Administrative Order 2014-01.
Sinabi ni Lizada na hindi usapin para sa CBCP ang pagbabawal ng rosaryo sa dashboard at rear-view mirror dahil maaari pa rin namang ilagay ang religious items sa loob ng sasakyan.
Paglilinaw ng LTFRB, matagal nang ipinagbabawal ang pagsasabit ng mga rosaryo sa rear-view mirror at ng religious images at ornamento sa dashboards sa ilalim ng JAO 2014-01.
Samanala, ayon kay Lizada, sinabi ni Mejia na suportado ng CBCP ang pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act para sa kaligtasan ng mga motorista.