Extension sa validity ng driver’s license, aprubado sa huling pagbasa sa Kamara
Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang pagpapalawig sa validity ng driver’s license hanggang sa limang taon mula sa kasalukuyang tatlong taon.
Sa sesyon sa plenaryo, hindi bababa sa 221 na miyembro ng Kamara ang pumabor sa naturang panukala na nagpapatibay rin sa polisiya kaugnay ng pagbibigay ng driver’s license.
Sa ilalim ng nasabing panukala, parurusahan ang opisyal na magbibigay ng lisensya sa isang driver nang hindi sumasailalim sa mga kaukulang examination.
Mapaparusahan din ang aplikante na magbibigay ng mga mali o pekeng dokumento, at pandaraya sa pagsusulit para makakuha ng lisensya.
Pagmumultahin ng dalawampung libong piso ang aplikante, habang ang pasaway na opisyal naman ay mahaharap sa pagkakasibak sa serbisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.