Ito’y matapos umapela si Napoles sa Ombudsman, at ikumpara ang kanyang kaso sa plunder case laban kay dating Sen. Juan Ponce Enrile.
Gayunman, iginiit ng special prosecutor na may matinding ebidensya sila para tanggihan ang hiling ni Napoles.
Hinimok din ng special prosecutor ang Supreme Court na katigan ang kanilang denial of bail, dahil wala namang naging grave abuse of discretion sa inilabas na desisyon.
Bago ito, dalawang beses nang umapela si Napoles na makapag-piyansa, ngunit lahat ito ay hindi pinayagan ng Ombudsman, kaya iniakyat niya ito sa Korte Suprema noong Nobyembre.
READ NEXT
UPDATE: 22 patay, higit 50 sugatan sa naganap na pagsabog sa concert ni Ariana Grande sa Manchester, England
MOST READ
LATEST STORIES