North Korea, handa na umanong gumawa ng maraming missile

By Jay Dones May 23, 2017 - 04:13 AM

 

North-Korea-Missile-Launch-620x413Handa na umano ang North Korea na mag-mass produce ng mga bagong medium-range missile matapos ang serye ng mga test-fire na isinagawa nito.

PInakahuling missile test launch na isinagawa ng North Korea ay naganap noong nakaraang araw ng Linggo lamang kung saan umabot ng 500 kilometro ang layo nito bago bumagsak sa Pacific Ocean.

Ayon sa media report mula sa North Korea, may kakayahan ang mga missile na makaabot ng Japan at ilang pang mga US military bases.

Giit ng North Korean media, sagot din ito aniya sa mga polisiya ni US President Donald Trump.

Marami pa anilang mga missile ang paliliparin sa himpapawid sa mga susunod na panahon.

Noong Linggo, personal na sinaksihan umano ni North Korean leader Kim Jong-un ang pagpapalipad ng missile at tinawag itong isang tagumpay.

Ito pa mismo umano ang nag-utos na bilisan paggawa ng mas marami pang mga missile at agad i-deploy ang naturang weapon system sa lalong madlaing panahon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.