9 na Chinese, isang Indonesian, arestado sa black sand mining sa Zambales

By Jay Dones May 23, 2017 - 04:15 AM

 

Foreigners1-620x465Sampung dayuhan karamihan ang dinakip ng National Bureau of Investigation habang naghuhukay ng ‘black sand’ at lahar sa lalawigan ng Zambales.

Siyam sa mga dayuhan ay pawang mga Chinese samantalang isa sa mga ito ay Indonesian.

Ayon kay NBI Deputy Director Czar Nuqui, naaktuhan ang mga dayuhan na inooperate ang isang dredger at isinasakay sa barge ang lahar at black sand sa Macolcol River sa bayan ng San Felipe.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang NBI na nag-ooperate ang grupo nang walang kaukulang permit mula sa Mines and Geosciences Bureau at DOLE at maging sa Maritime Industry Authority.

Dahil dito, nagkasa ng operasyon ang NBI upang ipatigil ang operasyon ng grupo.

Nang datnan ng mga operatiba, huli sa akto ang grupo na inililipat ang black sand at lahar mula sa isang barge tungo sa isang barko na may mga Chinese markings.

Hinala ng NBI, dadalhin sa ibang bansa ang black sand upang iproseso ito at makuha ang mineral na magnetite.

Nahaharap sa paglabag sa Mining Act of 1995 ang mga naarestong suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.