Relief operations ng Karapatan, pinigil ng isang mayor sa Sultan Kudarat

By Jay Dones May 23, 2017 - 04:14 AM

 

kalamansig sultan kudaratPinigil ng alkalde ng bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat ang human rights group na Karapatan na magsagawa ng relief operations sa kanyang nasasakupan.

May 13, nang pigilan ng mga sundalo at pulis ang grupo ng Karapatan bago pa man makapasok ang mga ito sa bayan ng Kalamansig.

Magbibigay sana ng ayuda ang grupo sa 163 pamilya na napilitang lumikas sa kanilang mga tinitirhan dahil sa bakbakan sa pagitanng New People’s Army at puwersa ng sundalo sa Bgy. Hinalaan, ngunit hindi ito pinayagan ni Mayor Ronan Garcia.

Paliwanag ng alkalde, hindi na kailangan ang tulong ng grupo dahil nabibigyan na ng lokal na pamahalaan ng assistance ang mga naapektuhang pamilya.

Bilang ama aniya ng taumbayan, karapatan niyang tanggapin o tanggihan ang sinumang nais na pumasok sa kanyang bayan.

Alegasyon ng grupo, pinoprotektahan lamang ng alkalde ang isang logging firm sa kanyang bayan kaya’t suportado nito ang deployment ng mga sundalo sa lugar.

Mariin namang itinatanggi ng alkalde ang akusasyon ng grupo./

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.