Nasa 221 mga mambabatas ang pumabor sa House Bill 5633 na naglalayong palakasin ang Unified Student Financial Assistance System o Unifast para sa tertiary education na nauna nang isinabatas noong nakaraang 16th Congress.
Sa ilalim ng panukalang batas, ipagbabawal ang pagkolekta ng matrikula at iba pang school fees sa mga kuwalipikadong estudyante ng mga SUC at mga tech voc schools.
Magkakaroon rin ng Student Loan Program for Tertiary Education kung saan maaring makakuha ng pautang ang mga mag-aaral sa ilalim ng UniFAST.
Sumalang na rin sa third and final reading ang Senate version ng naturang panukala kaya’t inaasahang isasalang na ito sa congressional bicameral conference upang pag-isahin ang dalawang bersyon.