Panukalang libreng matrikula sa mga estudyante ng SUC, aprubado na sa Kamara

By Jay Dones May 23, 2017 - 04:17 AM

 

congress1Aprubado na sa third and final reading sa Kamara ang panukalang isulong ang libreng tuition fee sa mga state colleges and universities at mga technical vocational schools na nasa ilalim ng pamamahala ng gobyerno.

Nasa 221 mga mambabatas ang pumabor sa House Bill 5633 na naglalayong palakasin ang Unified Student Financial Assistance System o Unifast para sa tertiary education na nauna nang isinabatas noong nakaraang 16th Congress.

Sa ilalim ng panukalang batas, ipagbabawal ang pagkolekta ng matrikula at iba pang school fees sa mga kuwalipikadong estudyante ng mga SUC at mga tech voc schools.

Magkakaroon rin ng Student Loan Program for Tertiary Education kung saan maaring makakuha ng pautang ang mga mag-aaral sa ilalim ng UniFAST.

Sumalang na rin sa third and final reading ang Senate version ng naturang panukala kaya’t inaasahang isasalang na ito sa congressional bicameral conference upang pag-isahin ang dalawang bersyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.