Cayetano, hindi nababahala sa banta ng China

 

Ipinagkibit-balikat lang ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte uklol sa banta umano ng China na handa itong makipaggyera kung magmimina ng langis ang PIlipina sa South China Sea.

Paliwanag ni Cayetano, walang dahilan upang maghain ng diplomatic protest ang Pilipinas sa naging pahayag ng China dahil hindi naman maituturing na pambu-bully ang naging usapan ng pangulo at ng preisdente ng China noon.

Siya mismo aniya ay nasaksihan ang pag-uusap ng dalawa at walang pagkakataon sa naturang usapan kung saan nawala ang respeto sa isa’t isa ng dalawang lider.

Gayunman, hindi naman kinumpirma o itinanggi ni Cayetano kung ginamit sa naturang pag-uusap ang katagang ‘gyera’ o ‘war’.

Nangako naman si Cayetano na ipapaliwanag ang nilalaman ng naging pag-uusap nina Duterte at Xi sa kanilang pagbabalik mula sa pagbisita sa Russia.

Read more...