Lady cop na sangkot sa Abu Sayyaf Group inirekomendang kasuhan

Nobleza1Isusumite na sa loob ng labinglimang araw ng Philippine National Police Internal Affairs Service kay Director General Ronald Dela Rosa ang kanilang rekomendasyon kaugnay sa kaso ni Supt. Maria Christina Nobleza, ang opisyal ng PNP na kasamang naaresto ng kanyang Abu Sayyaf live-in partner na si Reenor Lou Dungon sa lalawigan ng Bohol.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo, kasong grave misconduct o conduct unbecoming of an officer ang maaring ikaso kay Nobleza.

Paglilinaw ni Triambulo, hanggang rekomendasyon lamang ang kanilang magagawa dahil wala naman silang kapangyarihan na patawan ng kaukulang parusa ang isang kagawad ng PNP.

Ayon kay Triambulo, gagawin nila ang rekomendasyon matapos mapaso ngayon araw ang sampung araw na ibinigay na palugit ng IAS para magsumite si Nobleza ng depensa.

Matatandaang naaresto si Nobleza kasama si Dungon subalit katwiran ng opisyal, isa umano siyang deep penetration agent at tinutulungan lamang si Dungon para makuha ang tiwala ng teroristang grupo.

Read more...