Base sa liham ni Tinio kay House Secretary General Cesar Pareja, ipinaabot nito na boboto siya ng “No” sa House Bill 5636 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.
Sinabi ni Tinio na hindi na niya kayang suportahan ang panukalang batas dahil mas lalo lamang itong magpapahirap sa mga mahihirap na taliwas sa kanyang adbokasiya.
Ang kanyang pag-atras bilang co-author ayon sa mambabatas ay dahil may mga probisyon sa consolidated version ng tax reform na iba sa kanyang probisyon.
Si Tinio ay co-author ng panukala dahil sa kanyang house bill 57 na naglalayong ibaba ang income tax ng mga manggagawa para malaki ang maiuwi ng mga ito.
Nauna ng umatras bilang co-author ang isa ring miyembro ng Makabayan Bloc na si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.