Mataas na lider ng BIFF napatay ng PNP

By Chona Yu May 22, 2017 - 05:03 PM

BIFF
Inquirer file photo

Patay sa isang mataas na opisyal ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter at kanang kamay Bassit Usman matapos manlaban sa mga pulis sa Brgy. Capiton, Datu Saudi, Maguindanao.

Nakilala ang suspek na si Muhamman Ali at residente ng Brgy. Kitango, Datu Saudi.

Nabatid na bomb instructor din si Ali ng nasabing bandidong grupo.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, maghahain sana ng search warrant ang mga pulis laban sa suspek dahil sa kinakaharap na kasong ilegal na droga at paglabag sa Republic Act 10591 Illegal possession of firearms.

Gayunman, nanlaban ang suspek dahilan para mapilitan ang pulis na gumanti ng putok.

Nakuha sa suspek ang isang 60mm mortar, isang granada, isang ingram, pitong piraso ng volt battery, labing anim na piraso ng blasting caps, apat na cellular phone, isang hand held radio, isang detonating cord, at iba pang gamit sa paggawa ng bomba.

Nasa kustodiya na ngayon ng criminal investigation ang detection group ang mga nakumpiskang kagamitan ni Ali.

TAGS: ali, BIFF, maguindanao, PNP, ali, BIFF, maguindanao, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.