Pumayat at maputla na si Senadora Leila de Lima.
Ito ang naging pahayag ni Caloocan City Rep. Edgar Erice matapos bisitahin si De Lima sa kanyang kulungan sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.
Bukod kay Erice, bumisita rin sa senador and anim pang miyembro ng Magnificent 7 na sina Representatives Teddy Baguilat, Gary Alejano, Tom Villarin, Emmanuel Billones, Raul Daza at Edcel Lagman.
Ayon kay Erice, suportado niya ang hirit ni De Lima na mabigyan siya ng furlough para makadalo sa mga pagdinig sa Senado.
Ayon kay Erice, nangako naman daw umano kay De Lima si Senate President Koko Pimentel na tutulungan siya sa kanyang apela na makadalo sa mga pagdinig sa senado gaya halimbawa sa usapin ng isinusulong na death penalty at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.