Ikinatwiran ni Ejercito na malinaw na hanggang sa ngayon ay nalilito pa rin hindi lamang ang publiko kundi pati ang mga tauhan at opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transporation Office (LTO) sa pagpapatupad ng nasabing batas.
Sinabi pa ni Ejercito na dapat hayaan ang publiko na gamitina ng mga smartphone bilang navigational tool para makaiwas sa mga kalsada na dumaranas ng mabigat na daloy ng trapiko.
Mas delikado rin ayon sa mambabatas kapag inilagay ang mga smartphone sa ibabang bahagi ng dashboard dahil yuyuko pa ang mga driver para lamang makita ito na mas lalong makakalikha ng kalituhan sa mga nagmamaneho.
Nauna rito ay humirit rin ng legislative review sina Sen. Dick Gordon at Nancy Binay para muling pag-aralan ang nilalaman ng IRR ng naturang batas.
Noong May 18 ay nagsimulang ipatupad ang Anti-Distracted Driving Act kung saan may multang mula P5,000 hanggang P20,000 at revocation pa ng driver’s license.