Implementasyon sa Anti-Distracted Driving Act hiniling na pigilin sa Senado

By Den Macaranas May 22, 2017 - 03:36 PM

Distracted drivingPinayuhan ni Sen. JV Ejercito ang mga transportation officials na pansamantala munang itigil ang pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act hangga’t hindi malinaw ang mga nilalaman ng Implementing Rules and Regulations (IRR).

Ikinatwiran ni Ejercito na malinaw na hanggang sa ngayon ay nalilito pa rin hindi lamang ang publiko kundi pati ang mga tauhan at opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transporation Office (LTO) sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Sinabi pa ni Ejercito na dapat hayaan ang publiko na gamitina ng mga smartphone bilang navigational tool para makaiwas sa mga kalsada na dumaranas ng mabigat na daloy ng trapiko.

Mas delikado rin ayon sa mambabatas kapag inilagay ang mga smartphone sa ibabang bahagi ng dashboard dahil yuyuko pa ang mga driver para lamang makita ito na mas lalong makakalikha ng kalituhan sa mga nagmamaneho.

Nauna rito ay humirit rin ng legislative review sina Sen. Dick Gordon at Nancy Binay para muling pag-aralan ang nilalaman ng IRR ng naturang batas.

Noong May 18 ay nagsimulang ipatupad ang Anti-Distracted Driving Act kung saan may multang mula P5,000 hanggang P20,000 at revocation pa ng driver’s license.

TAGS: Anti Distracted Driving Act, dotr, Ejercito, lto, Senate, Anti Distracted Driving Act, dotr, Ejercito, lto, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.