Pimentel aminadong naguguluhan sa mga requests ni De Lima

By Den Macaranas May 22, 2017 - 03:32 PM

KokoTinawag lamang na “propaganda” ni Sen. Koko Pimentel ang hirit ni Sen. Leila De Lima na payagan siyang makadalo paminsan-minsan sa mga sesyon ng Senado.

Sinabi ni Pimentel na hindi niya alam na sumulat sa kanya si De Lima para sa nasabing kahilingan at hindi rin niya batid kung seryoso ang mambabatas sa hiling na furlough.

Aminado si Pimentel na hindi siya makapag-pasya kung papatulan ang nasabing hirit gayung alam naman umano ni De Lima na tanging ang hukuman lamang sa ngayon ang may saklaw sa kanyang kaso at ito rin ang magpapasya sa kanyang mga hiling na makalabas sa kanyang kulungan.

Nauna nang sumulat si De Lima kay Pimentel at nagtatanong kung siya ba ay kinikilala pa ring bahagi ng Senado ng Senate President at maibibigay pa rin sa kanya ang mga karapatan ng isang halal na miyembro ng kongreso.

TAGS: Crame, de lima, Pimentel, Crame, de lima, Pimentel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.