Kabuuang share ng China sa World Market, bumagsak… Philippine Stock Market, naapektuhan

PSENaalarma ang buong world market nang bumagsak ang kabuuang share ng bansang China ng halos 9 porsyento, Lunes ng tanghali.

Ito ang ikinabahala ng iba’t ibang investors, kung saan pumalo sa pinakamababang antas ang China kontra dolyar.

Ayon sa isang dealer, bumagsak din ang estado ng Philippine stock market mula sa 6,791.01 hanggang sa 6.70 na lamang kahapon, ang pinakamababang lebel sa buong taon.

Ang pagbaba ng stocks sa Pilipinas ay dala ng mga ginagawa sa bansang China, at United States.

Nararanasan ngayong ng halagang piso ang isang collateral damage, na ikinababa ng halos 31.9 sentimo, simula kahapon, nang pumalo ang halaga ng puso sa P46.819 kontra US dollar, mas mababa sa inakalang naitala noong Huwebes na P46.50, na may katamtamang palitang aabot sa P46.79 kada dolyar.

Ayon kay Philippines Veterans Bank treasurer na si Noel Manlabas, nakakapaketo ngayon sa halaga ng piso, ang krisis na nararanasan din ng halaga ng dolyar sa iba’t ibang market sa buong mundo, kasama na ang pagkakaroon ng mababang biolang ng produksyon sa bansang China.

Maging ang index ng Pilipinas ay bumaba ng 466.15 puntos, na binura ang lahat ng napag ipunan ng bansa ngayong taong 2015.

Sinisisi ng ilang analysts ang biglaang pagbagsak ng stocks ng China at United States, sa kanilang share, na halos 8 porsyento ang ikinalugmok.

Nawalan din ng kinang ang ekonomiya ng bansang China sa kabuuang financial market ng mundo.

Idinagdag pa ni Louis Limlingan, pinuno ng sales sa Regina Capital Development, 80 hanggang 90 posryento ang nawala sa bansa, dahil naka angkla ang paggalaw ng ekonomiya ng bansa sa malalaking mga bana tulad ng China at US.

“Hinila tayo pababa ng malalaking ekonomiya ng bansa,,” ang nasambit ni Limlingan.

Sinabi pa ni Limlingan, na nakaapekto ang kawalan ng pasok noong Biyernes, kung saan napabayaang bumaba ng bumaba at lamunin ng iba’t ibang bansa ang bahgdan ng share ng Pilipinas sa world market.

Handa namang bumawi ang mga Filipino investors dahil sa nangyarig insidente.

Tinaguriang “Great fall of China” ng iba’t ibang netizens, at investors ang nangyaring insidente./ Stanley Gajete

Read more...