Sa pamamagitan ng Advisory 2017-0010, hinihimok ng PhilHealth ang kailangan accredited doctors na irekomenda ang PD at ipaalala na ang naturang treatment ay dapat kabilang sa mga ospyon para sa renal replacement therapy.
Kasabay nito, sinabi ng PhilHealth na simula sa June 1 ay hindi na sila tatanggap ng claims application para sa PD sa ilalim ng case rates na isusumite ng health care institutions.
Maging ang mga direktang isusumite ng mga pasyente maliban nalang sa PD sessions na gagawin sa acute kidney injury tulad ng leptospirosis, ay hindi na rin tatanggapin ng PhilHealth.
Dahil dito, obligado na ang lahat ng accredited health care institution ng PhilHealth na nagpeperform ng PD, na mag-apply ng pre-authorization para sa lahat ng kanilang pasyente na na-diagnosed na may CKD Stage 5.
Taong 2014 nang ilabas ng PhilHealth ang kanilang Peritoneal Dialysis First Z Benefit package para magbigay ng financial risk protection at quality care sa mga pasyenteng may CKD na nakapasa sa selections criteria na itinakda ng korporasyon.