Accredited health care providers ng PhilHealth, hinimok na irekomenda sa kanilang mga pasyente ang Peritoneal Dialysis

By Mariel Cruz May 22, 2017 - 02:06 PM

philhealthNagpaalala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa kanilang mga accredited health care provider na irekomenda ang Peritoneal Dialysis (PD) bilang pangunahing lunas sa mga pasyente na mayroong Chronic Kidney Disease (CKD) Stage 5.

Sa pamamagitan ng Advisory 2017-0010, hinihimok ng PhilHealth ang kailangan accredited doctors na irekomenda ang PD at ipaalala na ang naturang treatment ay dapat kabilang sa mga ospyon para sa renal replacement therapy.

Kasabay nito, sinabi ng PhilHealth na simula sa June 1 ay hindi na sila tatanggap ng claims application para sa PD sa ilalim ng case rates na isusumite ng health care institutions.

Maging ang mga direktang isusumite ng mga pasyente maliban nalang sa PD sessions na gagawin sa acute kidney injury tulad ng leptospirosis, ay hindi na rin tatanggapin ng PhilHealth.

Dahil dito, obligado na ang lahat ng accredited health care institution ng PhilHealth na nagpeperform ng PD, na mag-apply ng pre-authorization para sa lahat ng kanilang pasyente na na-diagnosed na may CKD Stage 5.

Taong 2014 nang ilabas ng PhilHealth ang kanilang Peritoneal Dialysis First Z Benefit package para magbigay ng financial risk protection at quality care sa mga pasyenteng may CKD na nakapasa sa selections criteria na itinakda ng korporasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.