De Lima, binisita ng Magnificent 7 Congressmen

By Chona Yu May 22, 2017 - 02:05 PM

De Lima SmileBinisita ng pitong kongresista o mas kilala bilang ‘Magnificent 7’ si Sen. Leila de Lima sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Kabilang sa mga bumisita ay sina Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Albay Rep. Edcel Lagman, Magdalo Rep. Gary Alejano, Northen Samar Rep. Raul Daza, Quezon City Rep. Emmanuel Billones, Caloocan Rep. Edgar Erice at AKBAYAN Rep. Tom Villarin.

Pasado alas diyes ng umaga nang magdatingan ang mga kongresista.

Pangunahing agenda ng pagbisita ng pitong mambabatas ang kumustahin ang kalagayan ng senadora.

Ayon kay Alejano, kabilang sa mga napag-usapan ay ang isyu sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na una nang ibinasura sa Kamara.

Napag-usapan din ang isyu sa West Philippine Sea.

Si De Lima ay ilang buwang nang nakakulong sa Camp Crame dahil sa kasong drug trafficking bunsod ng umano’y kanyang naging partisipasyon sa operasyon ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.