EO na magbabago sa pangalan ng Benham Rise tungo sa Philippine Rise, pirmado na ni Duterte

By Mariel Cruz May 22, 2017 - 11:57 AM

benham-riseBago lumipad patungong Russia, nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order na pormal na magpapalit sa pangalan ng Benham Rise tungo sa Philippine Rise.

Inilabas sa media ang Executive Order no. 25 na pirmado na ni Duterte, na magbabago sa pangalan ng Benham Rise.

Nakasaad sa EO na simula ngayon, ang Benham Rise na kilala sa local at international maps at charts, ay tatawagin nang Philippine Rise.

Una nang inihayag ni Pangulong Duterte ang kanyang plano na palitan ang pangalan ng Benham Rise.

Ito ay matapos mapabalita na may mga Chinese vessel na naglalayag sa naturang underwater geographic feature.

Nabatid na alinsunod sa determinasyon ng Commission on the Limits of the Continental Shelf ng United National Convention on the Law of the Sea, ang Benham Rise ay bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ang Benham Rise ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Luzon na may lawak na 13 milyong ektarya at hitik sa likas na yaman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.