Piskal, patay matapos pagbabarilin sa harap ng bahay sa Caloocan City

By Jan Escosio, Mariel Cruz, Ricky Brozas May 22, 2017 - 11:42 AM

PISKAL CALOOCAN
Kuha ni Jan Escosio

Patay makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem ang isang state prosecutor sa harap mismo ng kanyang bahay sa Caloocan City, umaga ng Lunes.

Kinilala ang biktima na si Diosdado Azarcon ng Caloocan City Prosecutor’s Office.

Nabatid na naglalakad na patungo sa kanyang sasakyan si Azarcon, na malapit lang sa harap ng kanyang bahay, nang biglang pagbabarilin hanggang sa mamatay ng mga suspek.

Naganap ang pamamaril bandang alas otso ng umaga sa kahabaan ng 9th Avenue kanto ng Galauran Street, Brgy. 63 sa Caloocan City.

Ayon sa pulisya, nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril si Azarcon na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Samantala, mariing kinondena ng Department of Justice ang pagpatay kay Azarcon.

Kasabay nito, inatasan na ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang isang team ng National Bureau of Investigation para magtungo sa pinangyarihan ng pag-ambush at imbestigahan ang pagpatay kay sa naturang piskal.

Inaalam na rin ng DOJ kung may mga kontrobersyal na kasong hinawakan si Azarcon na posibleng ugat ng pag-ambush dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.