Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang sasakyan sa Quezon St., Brgy. 116, Zone 9, Tondo, Maynila.
Base sa nakuhang identification card sa loob ng sasakyan, kinilala ang biktimang si PO2 Frederick Tolentino.
Dead-on-the-spot ang biktima na natagpuang nakayuko sa kanyang manibela matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Sinasabing nasa loob lamang ng kanyang Toyota Altis na may plakang XHS 721 ang biktima, nang pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.
Apat na tama ng bala sa harapan at lima naman sa tagiliran ang tumagos sa kotse ng biktima.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman kung ano ang motibo sa pagpatay sa pulis na biktima.
MOST READ
LATEST STORIES