DAR Sec. Mariano, inireklamo sa Ombudsman ng banana firm

By Jay Dones May 22, 2017 - 04:28 AM

 

Rafael-Mariano-dar grig montegrandeMay kaugnayan ang reklamo na isinampa ng banana farm sa diumano’y pagpabor ng DAR na maitalaga ang ilang mga land reform beneficiaries sa may 145 ektarya ng banana farm sa Tagum City, na inaangkin ng Lapanday Foods, Corp o LFC.

Sa complaint ng LFC, binigyan umano ng ‘preference’ nina Mariano ang Madaum Agrarian Reform Beneficiaries Inc., (Marbai) nang maglabas ito ng Cease and Desist Order (CDO) na nagbigay ng pahintulot sa mga benepisyaryo na manatili sa San Isidro Farm sa bayan ng San Isidro noong December 9, 2016.

Nang makapasok sa loob ng farm dahil sa inilabas na CDO ng DAR, ay pinagpuputol umano ng mga magsasaka ang mga sagingan sa loob na nasa ilalim ng kontrata ng LFC.

Giit ng LFC, nilabag ng DAR ang umiiral na writ of execution na inilabas ng Regional Trial Court ng Davao hinggil sa naturang lupain.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.