Protesta vs death penalty, idinaan sa martsa ng mga grupo
Nagmartsa ang higit sa 400 katao sa bisinidad ng España Blvd., sa Maynila upang iprotesta ang nagbabantang pagbabalik ng death penalty sa bansa.
Inorganisa ang naturang protesta na binansagang ‘Lakbay Buhay’ ng nasa 32 organisasyon na layong pag-isahin ang kampanya upang mapigil ang pagbabalik ng death penalty.
Giit naman ng ilang mga nagmartsa, mistulang nakaligtaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mahihirap dahil ang mga kalimitang biktima ng parusang bitay ay mula sa mga maralita.
Dapat anilang mas bigyang pansin ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga mahihirap sa pamamagitan ng paglutas sa problema ng kahirapan.
Una nang nagsimula ang caravan ng mga nagpoprotesta sa Cagayan de Oro City noong May 4 at magtatapos ito sa gusali ng Senado sa Miyerkules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.